Brownlee inialay ang tropeo sa pumanaw na agent
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung hindi dahil kay agent Sheryl Reyes ay hindi makukuha ng Barangay Ginebra ang kanilang ikatlong PBA Governor’s Cup sa huling apat na taon bukod pa ang Commissioner’s Cup noong 2018.

Dinala ni Reyes si import Justin Brownlee sa PBA noong 2016 at i­binigay sa Gin Kings.

Kaya naman inialay ni Brownlee kay Reyes, pumanaw sa edad na 39-anyos noong Mayo 11, 2019 dahil sa cervical cancer, ang pinakahuling korona ng Ginebra sa kanyang agent.

“Sheryl, this is for you, I know you’re watching,” sabi ng 30-anyos na si Brownlee sa kanyang Instagram post hawak ang malaking tropeo ng napanalunang 2019 PBA Governor’s Cup.

Maliban kay Brownlee, ang isa pang dinala ni Reyes sa PBA ay si Renaldo Balkman at responsable rin sa pagbisita sa bansa nina dating NBA stars Allen Iverson, Stephon Marbury at Lamar Odom.

Sa likod ni Brownlee ay tinapos ng Gin Kings sa 4-1 ang kanilang best-of-seven championship series ng karibal na Meralco Bolts para angkinin ang titulo ng season-ending confe­rence.

Tumapos si Brownlee na may 24 points, 10 assists at 7 rebounds.

Tiniyak ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone na magbabalik si Brownlee para sa 2020 PBA Commissioner’s Cup at sa kanilang pagdedepensa sa Governor’s Cup.

JUSTIN BROWNLEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with