Pinay Spikers ikinasa ang Finals
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibubuhos ng Pinay spi­kers ang buong puwersa nito laban sa Indonesia upang masiguro ang tansong medalya sa paglarga ng

battle-for-bronze match ngayong hapon sa 2019 Southeast Asian Games women’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang paluan ng Pilipinas at Indonesia sa alas-3:30 ng hapon na susundan ng championship match ng 11-time champion Thailand at Vietnam sa alas-6 ng gabi.

Hangad ng Pinay spi­kers na makabalik sa podium matapos ang 14 taon.

Huling nagkamit ng medalya ang Pilipinas noong 2005 edisyon na ginanap sa Bacolod City kung saan nakahirit ng tanso ang koponan.

Ngunit daraan sa ma­tinding pagsubok ang tropa.

Walang naipanalo ang Pinay spikers sa eliminas­yon.

Lumasap ang tropa ng fourth-set loss sa Indonesia noong Sabado.

Umaasa ang coaching staff na magiging maganda na ang lagay ni top hitter Alyssa Valdez na nagtamo ng stomach problem para malimitahan ang kanyang produksiyon sa dalawang puntos.

“Talagang pinipilit niyang makalaro kahit may nararamdaman siyang masakit,” ani team captain Aby Maraño.

Kaya naman kaila­ngang kumayod ng husto ng iba pang miyembro ng tropa kabilang na sina open hitters Eya Laure at Ces Molina at opposite spikers Mylene Paat at Jovelyn Gonzaga.

Matibay na blockings naman ang aasahan kina middle blockers Majoy Baron, Maddie Madayag at Maraño habang magsasalitan sina libero Dawn Macandili at Kath Arado sa floor defense.

Tututukan ng Pinay squad ang reception na siyang pangunahing naging problema ng tropa kontra sa Indonesia.

Babantayan ng Pilipinas si Ratri Wulandari na nagtataglay ng pamatay na jump serve. Nakalikom ito ng 18 puntos kabilang ang tatlong aces laban sa Pinay spikers.

Magiging tinik din sina Megawati Pertiwi at skipper Wilda Sugandi na nagsa­nib-puwersa para makakolekta ng 29 pinagsamang puntos.

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES PINAY SPI­KERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with