Roger Casugay
Gold isinakripisyo ni Casugay para sagipin ang kalaban
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t malaki ang tsansang makamit ang gintong medalya sa men’s longboard event ng surfing competition sa 30th Southeast Asian Games ay mas pinaha­lagahan ni Pinoy surfer Roger Casugay ang kaligtasan ng isang Indonesian competitor.

Nangunguna si Casugay sa kanilang ikatlong qualifying round duel ni Arip Nurhidayat kung saan ang mananalo ang lalaban para sa gold medal.

Narinig ni Casugay ang hiyawan ng mga teammates ni Nurhidayat dahil nilamon na pala ang Indonesian surfer ng malalaki at malalakas na hampas ng alon sa San Juan, La Union.

Napatid pala ang leg rope ng surfboard sa paa ni Nurhidayat na tuluyan nang nagpailalim sa kanya sa tubig.

Dito na umaksyon ang 25-anyos na si Casugay.

Dali-daling bumalikwas ang Pinoy surfer para hanapin si Nurhidayat at nang makita niya ang kalaban na malapit ng malunod ay kaagad niya itong isinakay sa kanyang surfboard pabalik sa pampang.

Sa kanilang pagdaong katulong ang Philippine Coast Guard ay itinaas ni Nurhidayat ang kamay ni Casugay kasabay ng pagdedeklara ng Indon sa kanya bilang “champion”.

“He coming toward our rider and helping each other. They stand up together in one board, that’s what we call we win as one,” wika ng Indonesian surfing coach na si Arya Subyatko.

Ayon kay Casugay, mas mahalaga para sa kanya ang mailigtas si Nurhidayat sa kabila ng posible niyang pag-angkin sa gold medal sa nasabing event ng biennial meet.

Kasama ni Casugay sa men’s national surfing team sina Rogelio Esquivel, Roger Casugay, John Mark Tokong at Edito Alcala.

Ilang beses nang naipagpaliban ang surfing competition ng 2019 SEA Games dahil sa bagyong ‘Tisoy’.

Ang nasabing kadakilaang ipinakita ni Casugay ang nag-trending sa social media sa buong mundo. 

ROGER CASUGAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with