^

PSN Palaro

Pinoy Spikers tangka ang Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Pinoy spi­kers na makahirit ng tiket sa finals sa pagharap nito sa powerhouse Thailand sa crossover semifinals ng 2019 Southeast Asian Games men’s volleyball competitions ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Papalo ang bakbakan ng Pinoys at Thais sa alas-3:30 ng hapon habang magkukrus din ang landas ng Indonesia at Myanmar sa hiwalay na semis game sa alas-6 ng gabi.

Nagtapos ang Pilipinas sa No. 2 spot sa Group B hawak ang 2-1 marka.

Bigong makuha ng Pinoy spikers ang top see­ding matapos umani ng 23-25, 30-32, 20-25 kabiguan sa Indonesia sa huling araw ng eliminasyon noong Biyernes.

Mapapalaban ang Pinoy squad sa defending champion Thailand na winalis ang dalawang asignatura nito sa Group A para makuha ang No. 1 spot. Tinalo ng Thailand ang Myanmar at Singapore.

Kukuha ng malakas na puwersa ang Pilipinas sa tambalan nina five-time UAAP MVP Marck Jesus Espejo at dating UAAP MVP Bryan Bagunas ang dalawang top scorers ng tropa.

Subalit kailangan nina Bagunas at Espejo ng solidong suporta partikular na kina middle blockers Kim Malabunga at Francis Saura na siyang aatasang harangin ang mga atake ng Thailand.

Makakatuwang ng apat sina opposite spiker Johnvic De Guzman, playmaker Joshua Retamar at libero Ricky Marcos.

vuukle comment

INDONESIA

PHILSPORTS ARENA

PINOY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with