Philippine team patuloy ang pag-angat
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

SUBIC, Philippines — Habang iba-ibang bansa ang nananalo ng gintong medalya ay hindi makakaramdam ng nerbiyos ang Pilipinas.

Pagsapit ng alas-6 ng gabi ay humakot ang mga Filipino athletes ng mga gintong medalya para patuloy na banderahan ang 30th Southeast Asian Games.

Pinamunuan nina 2018 Asian Games gold meda­list Margielyn Didal at Daniel Lederman ang ratsada ng Team Philippines makaraang manguna sa women’s at men’s elite Game of S.K.A.T.E.

Nagdagdag naman ng gintong medalya sina judokas Kiyomi Watanabe at Shugen Nakano, rider Jermyn Prado, fencer Jylyn Nicanor at mixed-martial artists Mark Edward Striegl at Chino Sy sa kani-kanilang events para lalo pang itaas ang Pilipinas sa overall medal tally bitbit ang 63 golds, 45 silvers at 34 bronzes.

Nasa ilalim pa rin ang Vietnam na may 31 ginto, 35 pilak at 41 tansong medalya kasunod ang Indonesia (27-36-39) at Singapore (26-19-29).

Nagsumite ang 26-an­yos na tubong Pagbilao, Quezon na si Prado ng bilis na 44 minuto at 44.742 segundo para pagreynahan ang women’s individual time trial.

Nagwagi naman sina Watanabe (women’s -63kg) at Nakano (men’s -66kg) sa judo event  habang tinusok ni Nicanor ang ginto niya sa women’s individual sabre ng fencing competition.

Ibinulsa nina Striegl at Chino ang gold medal sa men’s combat 74kg at 80kg ng sambo competition.

Nag-ambag din ng ginto sina Princess Arbilon at Samuel German mula sa kanilang panalo sa mixed relay beach laser-run portion ng pentathlon event.

Samantala, nakuntento sa silver medal sa kanilang mga events sina Samuel at shooter Ditto Nestor Dino­pol at ang men’s underwater hockey team.

Nagtala ang tubong Ormoc, Leyte na si Samuel ng oras na 13:27.29 para kunin ang pilak sa men’s modern pentathlon.

Sumegunda si Dinopol sa benchrest air rifle heavy varmint individual category mula sa kanyang ipinaputok na 746-32x.

Nakuntento naman sa tansong medalya sina individual women’s duathlon gold medalist Monica Torres, Efrraim Inigo, Mary Pauline Fornea at Emmanuel Comendador sa duathlon mixed relay event.

Nagrehistro sila ng oras na 1:30.95 sa ilalim ng Thailand (1:27.68) at Singapore (1:29.36) para sa gold at silver medal, ayon sa pagkakasunod.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with