Sweep pakay ng Pinoy Spikers
(Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ma-sweep ang eliminasyon ang tanging nasa isip ng national team sa pakikipagtipan nito sa Indonesia sa pagpapatuloy ng 2019 Southeast Asian Games men’s volleyball tournament ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Pilipinas at Indonesia sa alas-6 ng gabi.

Maghaharap naman ang defending champion Thailand at Myanmar sa ala-una ng hapon kasunod ang duwelo ng Vietnam at Cambodia sa alas-3:30.

Sosyo ang Pilipinas at Indonesia sa liderato sa Group B hawak ang parehong 2-0 marka.

Ngunit pakay ng Pinoy spikers na makuha ang importanteng panalo para makaiwas sa powerhouse Thailand sa crossover semifinals.

Magkasama rin ang Thailand at Myanmar sa Group A tangan ang magkatulad na 1-0 marka. Parehong tinalo ng Thailand at Myanmar ang Singapore.

Nais ng Pilipinas na masundan ang kanilang matikas na demolisyon sa Cambodia (29-27, 25-17, 25-17) at Vietnam (25-20, 25-21, 25-12) na siyang naging daan para makasiguro ng tiket sa semis.

Sa women’s division, hindi umubra ang lakas ng Pinay spikers sa powerhouse Thailand, 25-16, 25-22, 34-32, upang mahulog sa 0-2 rekord.

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with