Malditas sisipa sa semis; azkals binokya ang Malaysia
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabangis ang Philippine football team matapos gulpihin ang powerhouse Malaysia sa men’s at women’s divisions ng 2019 Southeast Asian Games football championships sa magkaibang venues.

Pinakamaningning ang Malditas na itinarak ang impresibong 5-0 demolisyon sa Malaysians para masungkit ang tiket sa semifinals ng women’s class sa Biñan Stadium sa Laguna.

Ito ang unang pagkakataon na masisilayan sa Final Four ang Pilipinas sa women’s football ng biennial meet.

Nanguna sa ratsada ng Pinay booters si striker Sarina Bolden kumana ng hat-trick sa first half (24th, 41st at 47th minutes) habang nagdagdag naman sina Alisha del Campo (38th) at Eva Madarang (93rd) ng tig-isang goal para pulbusin ng Malditas ang Malaysians.

Dahil dito, umangat ang Malditas sa Group A hawak ang apat na puntos na sapat na para makuha ang semis spot.

Hindi rin nagpahuli ang Azkals na nagsumite ng 1-0 gitgitang panalo sa Malaysia sa men’s division.

Ganito rin ang nangyari noong 1991 SEA Games sa Maynila kung saan nakuha rin ng Pinoy squad ang 1-0 panalo sa makasaysayang Rizal Memorial Football Stadium.

Inirehistro ni team captain Stephan Schrock ang winning goal ng Pilipinas sa ika-74 minuto ng laro.

Dahil sa panalo, muling nabuhay ang tsansa ng Azkals na makapasok sa semis hawak ang apat na puntos para makuha ang No. 3 spot sa Group A.

Sunod na makakalaban ng Azkals ang Timor Leste sa Disyembre 4.

AZKALS MALDITAS PHILIPPINE FOOTBALL TEAM STEPHAN SCHROCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with