^

PSN Palaro

Focus tayo sa mas mabuti

ABYLIEVE - Pilipino Star Ngayon

Dumaong na sa Pilipinas ang pinakahihintay na kompetisyon, nagsimula na ang SEA Games. Bagama’t kakasimula pa lamang ay samu’t saring batikos na ang natatanggap ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC dahil umano sa palpak nitong pamamahala ng torneo.

Ayon sa mga kumakalat na balita, ang football team ng Timor Leste ay naghintay nang matagal sa airport dahil sa tagal ng service na susundo sa kanila at pagkatapos paghintayin ay isinakay sila sa maliit na bus, iyong halos hindi magkasya ang mga binti dahil sa sikip. Ang malupit, dinala pa sila sa maling hotel.

May mga atletang banyaga rin ang nagrereklamo sa pagkaing inihahain sa kanila. Ang mga muslim na taga-Singapore ay hinainan umano ng baboy kahit na may nag-abiso ng hindi sila puwede rito at may ilan namang atletang nagreklamo matapos silang bigyan ng breakfast supply na kikiam at scramble egg. Bukod din sa walang score board ang unang laro ng football sa Rizal Stadium nitong nakaraang Martes, mayroon ding mga establisyamento at game venues na hindi pa tapos ngunit ipinapagamit na.

Bilang atleta, nalungkot ako na ganito ang sitwasyon ng SEA Games ngayon lalo pa’t tayo ang host. Mulat ako sa kung gaano ka-organisado ang mga nakaraang SEA Games na nalaruan ko. Masasabi kong malaki ang pagkukulang natin. Hindi pa tayo handa.

Ngunit sa kabila ng lahat ng suliraning ito, dapat sigurong mapagtanto rin natin na mas kailangan na­ming mga atleta ang suporta ng kapwa Filipino higit sa kung ano pa man, kaya iisang tabi na muna ang mga negatibong outlook. Iraos natin ito ng sama-sama. Sa araw-araw na bugbugang ensayo, ramdam na ramdam ko yung pagod at nararamdaman ko rin ang frustrations ng mga tao dahil sa mga kritisismong lumalabas sa bibig nila. Pero mas maganda sigurong pakinggan ang mga sigawan at hiyawang dadagundong saan mang sulok ng arena. Mag-focus tayo sa main goal ng SEA Games, iyon ay ang manalo. Ganoon naman din ang magagawa naming mga atleta, yakapin ang mga sakripisyo at magpokus sa kung ano ang mas importante - iyong manalo. Gamitin nawa natin ang panahong ito para magkaisa at mag-promote ng camaraderie. Sa mahirap na sitwasyong ito muling masusulat ang bayanihan nating mga Pilipino dahil ang tagumpay namin ay tagumpay ninyo rin. We win as one!

vuukle comment

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with