Nailusot ni Renzo Subido ng UST ang kanyang tira sa tangkang supalpal ni Bright Akhuetie ng UP.
Joey Mendoza
UST balik finals vs Ateneo
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsanib puwersa sina Renzo Subido at Soulemane Chabi Yo ng limang puntos sa huling 23.6 segundo upang iangat ang UST Growling Tigers sa 68-65 panalo kontra sa UP Fighting Maroons kahapon at itakas ang huling Finals berth Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumapos ang Beninese center na si Chabi Yo ng 22 puntos at 16 rebounds habang si Subido ay umani ng 14 puntos, tatlong rebounds, dalawang assists at isang steal para muling tumuntong ang Growling Tigers sa unang pagkakataon simula noong 2015.

Sa kanilang ikalawang panalo laban sa No. 2 seed Fighting Maroons sa stepladder semis tulu­yan nang winalis ng UST ang Katipunan-based UP sa kanilang 4-0 win-loss record sa season na ito kabilang na ang dalawa sa elimination round.

Makakaharap ng Growling Tigers ang two-peat champion at undefeated Ateneo Blue Eagles sa best-of-three Finals series simula sa Sabado sa Araneta Coliseum.

Tumipak din ng 12 puntos si Mark Nonoy at 11 naman mula kay Rhenz Abando para sa tropa ni coach Aldin Ayo.

Binuksan ng Growling Tigers ang laban sa 7-0 run mula kay Subido at Chabi Yo at lumobo sa 12 puntos ang bentahe, 18-6 sa jumper ni Abando bago natapos ang unang yugto.

Ngunit nalimitahan naman ng Fighting Maroons sa 11 puntos lamang ang UST sa ikalawang yugto sa 22-11 rally nina Jun Manzo, James Spencer, Bright Akhuetie at Ricci Rivero upang ibaba sa 28-29 ang agwat sa first half.

Lumamang pa sana ang UP, 65-61 sa huling 1:53 ng laro sa slam ni Kobe Paras, ngunit umiskor ng lay up si Rhenz Abando para ibaba sa dalawang puntos ang agwat bago ang triple ni Subido at dalawang free throws ni Chabi Yo mahigit 4.4 segundo na lamang ang nalalabi ang naging mitsa ng tagumpay ng Tigers.

Sa women’s division, pinataob ng No. 4 seed Far Eastern University Lady Tamaraws ang No. 2 seed University of Santo Tomas Golden Tigresses, 48-46 upang humirit ng do-or-die battle para sa huling Finals berth sa Sabado sa Big Dome.

Ang magwawagi sa UST-FEU Ladies stepladder semis ay haharap sa National University Lady Bulldogs na nauna ng pumasok sa Finals matapos walisin ang double-round elims.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with