Roda laglag sa silver
MANILA, Philippines — Naibulsa ni promising Pinoy cue master Jefrey Roda ang runner-up trophy sa prestihiyosong 2019 IBSF Men’s World Snooker Championship na ginanap sa Antalya, Turkey.
Pumangalawa lamang si Roda nang umani ito ng 5-8 desisyon kay two-time world champion Mohammad Asif ng Pakistan sa gold-medal round.
Si Roda ang ikalawang Pinoy na nakasiguro ng pilak sa World Snooker Championship.
Una nang nakapilak si Leonardo ‘Dodong’ Andam na pumangalawa noong 1992 edisyon sa Malta.
Nakapasok sa finals si Roda makaraang patalsikin si top seed Pang Jun Xu ng China sa semifinals sa bisa ng 7-3 panalo habang nanaig naman si Asif kay Kritsanut Lertsattayathirn ng Thailand, 7-0 sa hiwalay na semis match.
- Latest