^

PSN Palaro

Didal dinomina ang California event

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Tsansa sa Tokyo Olympics lumakas

MANILA, Philippines — Lalo pang pinalakas ni Margielyn Didal ang kanyang pag-asa na makapa­sok sa 32nd Olympic Games sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.

Ito ay nangyari matapos angkinin ni Didal sa ikalawang pagkakataon ang titulo sa Exposure All Women’s Skateboarding Championship na ginanap sa Huntington Beach, California.

Ayon kay Skateboar­ding and Roller Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoria, ang panibagong tagumpay ng Cebuanang skateboarders ay kasunod din ng kanyang panalo sa Ladies Day Skate competition sa Berrics skate park ng Los Angeles, California.

Naniniwala si Mendigoria na sa dalawang magkasunod na panalo ni Didal sa dalawang world class competition, malaki na ang pag-asa nitong makapasok sa Tokyo Olympiad sa kanyang pagsabak sa 2019 Olympic Ranking tournament ngayong Nobyembre 10 sa Rio de Janiero, Brazil.

Inaasahang magtatagpo ang malalakas na skateboarders mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa Brazil competition upang pag-aagawan ang slots para sa Tokyo Olympics.

Bukod sa Olympics qua­lifying tournament pinagtibay din ni Didal ang kanyang asam na dominahin ang 30th Southeast Asian Games skateboar­ding event sa Tagaytay City sa darating na  Nob­yembre 30 hanggang sa Disyembre 11, ayon kay Mendigoria.

vuukle comment

OLYMPIC GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with