^

PSN Palaro

No Show

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Pipili na lang ng kalaban yun pang hindi sisipot.

Ganyan ang masaklap na nangyari kay Jerwin Ancajcas, ang ating IBF super flyweight champion na nakatakda sanang lumaban kahapon sa Carson, California.

Si Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico ang ka­laban.

Ang problema, hindi pala inasikaso ni Rodriguez ang US visa niya upang makatawid ng Mexico. Nagsimula ang problema nung hindi niya siputin ang scheduled interview sa US Embassy sa Mexico.

 Hinabol ni Sean Gibbons ng MP Promotions ang proseso at bagama’t nakuha ang visa, hindi naman siya umabot sa medical exams ng California para mabigyan ng license na lumaban doon.

 Postponed ang laban. Tengga si Ancajas. Sayang ang pagod sa training. At ang masama pa nito, wala siyang makukuha ni isang kusing. Unless bumale siya sa promoter niya.

Talo ang sitwasyon.

Ngayon, imbes na pauwi na bukas si Ancajas at tapos na ang title defense, sa Las Vegas siya tumuloy dahil baka may mahanap daw na kalaban para sa Dec. 7.

Tinawanan lang ni Ancajas ang nangyari. Matapos ang dalawang araw na pahinga, balik daw ulit siya sa training para nga sa sunod na laban kung sakaling maikasa nga ito.

Hinahanapan ni Gibbons ng makakalaban si Ancajas.

Kahit sino ‘wag lang Indianero.

vuukle comment

JERWIN ANCAJCAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with