2 silver, 2 bronze sa Pinoy wushu
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Uuwi ang Pinoy wushu team bitbit ang dalawang pilak at dalawang tansong medalya sa prestihiyosong 15th World Wushu Championships na ginanap sa Shanghai Minhang Stadium sa Shanghai, China.

Nagtapos lamang bilang runner-up si 2018 World Sanda Cup gold medallist Arnel Mandal nang umani ito ng 0-2 pagyuko kay Mahmoud Gomaa ng Egypt sa gold-medal match ng men’s 52 kg. sanda event.

Sumikwat din ng pilak si Russel Diaz nang lumasap naman ito ng 1-2 kabiguan kay Parveen Kumar Punjab ng India sa championship round ng men’s 48 kg. sanda competition.

Nakasiguro ng tanso sina dating world champion Divine Wally (women’s 48 kg. sanda) at Clemente Tabugara Jr. (men’s 65 kg. sanda) na kapwa yumuko sa kani-ka­nilang semis matches.

5TH WORLD WUSHU CHAMPIONSHIPS PINOY WUSHU TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with