^

PSN Palaro

Ateneo malinis pa rin

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ateneo malinis pa rin
Napilitang ipasa ni Hubert Cani ng FEU ang bola nang magipit sa depensa ni Ange Kouame ng Ateneo.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Nalampasan ng two-peat champion Ateneo Blue Eagles ang mabagal na umpisa tungo sa 65-55 panalo kontra sa FEU Tamaraws habang nagwagi ang UST Growling Tigers laban sa UP Fighting Maroons, 84-78, kahapon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa  Pasay City.

Naiwanan ng mahigit 13 puntos ang Blue Eagles ng dalawang beses, ang huli ay 29-42, sa unang da­lawang minuto ng ikatlong yugto bago ang arangkada nina Thirdy Ravena, Ange Kouame at rookie center Pat Maagdenberg para manatiling walang talo sa 11 na laro.

Kahit pumasok na sa semis ang Ateneo, u­ma­lagwa pa rin si Ravena ng 10 puntos at 10 rebounds habang si Kouame ay tumulong ng 10 puntos at 15 rebounds at siyam na puntos naman mula kay Maagdenberg upang ihulog ang Tamaraws sa 5-6 win-loss kartada.

“FEU certainly gave us a wake-up call in the first half that we needed. I don’t care if we have 10 playing dates in a row. If you lose your humility to be good. If you think all you need to do is put your uniform on, you need a wake-up call. I wish we never did, but we are human,” ani Ateneo coach Tab Baldwin ukol sa kanilang apat na laro sa loob lamang ng 12 araw.

Pinatunayan din ng España-based dribblers ang kanilang dominasyon kontra sa Fighting Maroons upang umangat sa 6-5 slate at half-a-game sa likuran ng kanilang biktimang Katipunan-based UP.

Sa ibang laro, nagwagi naman ang De La Salle sa University of the East, 65-59 upang makopo ang pang-limang panalo sa sampung laro.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with