Blue Eagles swak sa Final Four
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang pumasok sa Final Four ang nagde­depensang Ateneo De Ma­nila University matapos patumbahin ang De La Salle University, 77-69, sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pa­say City.

Tumipa si Adrian Wong ng 18 points kabilang ang apat na triples at nagtala ng 13 markers at 7 rebounds si Thirdy Ra­vena para masungkit ng Ate­neo ang ika-10 sunod na pa­nalo.

“That was a good game of basketball, but if Adrian (Wong) doesn’t come out hot, we would have been in trouble,” sabi ni head coach Tab Baldwin.

Ito na rin ang ika-20 su­nod na panalo ng Blue Eagles simula noong naka­raang taon.

Humakot si import Ange Kouame ng 10 points, 14 rebounds, 3 blocks at 2 assists para sa Ateneo.

Nalaglag ang La Salle sa 4-5 record.

Sinuwag naman ng Far Eastern University Ta­ma­raws ang University of Santo Tomas Growling Ti­gers, 72-58.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with