^

PSN Palaro

Depensa ang nagpanalo sa Ginebra vs Alaska

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung mayroon mang bagay na magpapalakas ng tsansa ng Barangay Ginebra para makapasok sa championship series ng 2019 PBA Governor’s Cup, ito ay ang depensa.

Bago ang kanilang 102-83 paggiba sa Alaska Aces noong Linggo ay isinulat ni Gin Kings head coach Tim Cone sa white board ng kanilang dugout ang salitang ‘aggressiveness’.

“We came out and tried to be aggressive,” sabi ni resident import Justin Brownlee na kumolekta ng 30 points, 22 rebounds, 5 steals at 4 assists.

Sinosyohan ng Ginebra sa liderato ang NLEX, NorthPort at Meralco sa magkakatulad nilang 1-0 kartada habang nalasap ng Alaska ang ikalawang sunod na kabiguan.

“We pride ourselves as a defensive team, and we also had a good effort offensively,” wika ni Brownlee, nakakuha ng suporta mula kina Greg Slaughter, Stanley Pringle.

Samantala, bubuksan ng San Miguel ang kanilang kampanya sa season-en-ding conference sa pagsagupa sa Phoenix bukas ng alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay sisimulan din ng TNT Katropa at Blackwater ang kani-kanilang mis­yon.

vuukle comment

2019 PBA GOVERNORS CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with