Sinabitan ni Columbian import Khapri Alston ang patirang si Rain or Shine import Joel Dwayne.
Jun Mendoza
E-Painters balik sa porma
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung si CJ Perez ang isa sa dalawang nagbigay ng panalo para sa Columbian sa una nilang laro ay siya naman ang naging dahilan ng kanilang kabiguan kahapon.

Sinamantala ng Rain or Shine Elasto Painters ang mintis na three-point shot at turnover ni Perez sa dulo ng final canto para kunin ang 96-90 panalo laban sa Dyip sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nakabangon ang Rain or Shine mula sa una nilang 94-99 kabiguan sa NorthPort habang nabigo naman ang Columbian na sundan ang kanilang 117-110 panalo laban sa Alaska sa pagbubukas ng torneo noong Biyernes.

Iniskor ni import Joel Wright ang huling pito sa siyam na puntos ng Elasto Painters, ang huli ay isang layup sa natitirang 14.5 segundo ng fourth quarter para sa kanilang 93-89 abante.

Huling nakadikit ang Dyip sa 90-93 buhat sa split ni import Khapri Alston sa nalalabing 11.4 segundo ng laro.

“He has to learn to at least last longer in the game,” sabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia kay Wright, tumapos na may 30 points, 10 rebounds at 2 assists, na hindi niya ipinasok sa third period bunga ng limang fouls nito.

Ang mintis na tira ni Perez sa 3-point line para sa Columbian ang nagresulta sa fastbreak layup ni Wright para sa 91-89 bentahe ng tropa ni Garcia sa huling 45.8 segundo ng labanan.

Nagkaroon naman ng turnover si Perez sa nalalabing 33.9 segundo sa posesyon ng Dyip na nagresulta sa salaksak ni Wright para sa 93-89 kalamangan ng Elasto Painters sa huling 14.5 segundo.

Samantala, dalawang linggo namang hindi makakalaro si 6-foot-9 center Poy Erram para sa NLEX matapos magkaroon ng collateral ligament sprain sa kanyang kaliwang braso.

Nakuha ni Erram ang injury nang magkaipitan sila ng braso ni Phoenix Fuel Masters forward Dave Marcelo sa 11:17 minuto ng second period sa larong pinagwagian ng Road Warriors, 123-116.

“He suffered a collateral ligament sprain, no fractures or dislocation,” sbai ni NLEX coach Yeng Guiao kay Erram. “At least two weeks before he can play.”

Rain or Shine 96 - Wright 30, Nambatac 17, Exciminiano 10, Mocon 10, Borboran 9, Daquioag 8, Torres 7, Norwood 2, Rosales 2, Ponferada 1, Yap 0, Belga 0, Onwubere 0.

Columbian 90 - Alston 23, Perez 22, Khobuntin 14, Tiongson 10, McCarthy 9, Cahilig 5, Camson 3, Flores 2, Calvo 2, Faundo 0, Reyes 0, Celda 0, Gabriel 0, Gabayni 0.

Quarterscores: 23-14; 44-44; 66-63; 96-90.

2019 PBA GOVERNORS CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with