Magpapang-abot ang Pacific Town-Army at BaliPure sa alas-4 habang aariba rin ang duwelo ng Choco Mucho at Chef’s Classic sa alas-2 sa Malolos Sports and Convention Center.
File
Krusyal na panalo asam ng 4 teams
(Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Darayo ang 2019 Premier Volleyball League Open Conference sa Bulacan tampok ang bakbakan ng apat na koponang naghahabol na makalikom ng importanteng panalo upang buhayin ang kani-kanilang semis bid.

Magpapang-abot ang Pacific Town-Army at BaliPure sa alas-4 habang aariba rin ang duwelo ng Choco Mucho at Chef’s Classic sa alas-2 sa Malolos Sports and Convention Center.

Umangat sa ikalimang puwesto ang Lady Troo­pers tangan ang 5-4 marka matapos payukuin ang Red Spikers sa kanilang huling laro.

Nawala sa lineup ng Army si top hitter Jovelyn Gonzaga gayundin si head coach Kungfu Reyes na parehong nasa training camp ng national team sa Thailand para sa pagsabak ng tropa sa Asean Grand Prix.

Kaya naman doble kayod ang gagawin nina Mary Jean Balse-Pabayo, Honey Royse Tubino, Jem Gutierrez at Nene Bautista para manduhan ang pagmartsa ng Lady Troopers.

Nakasakay ang BaliPure sa 2-8 baraha.

Sa kabilang banda, umaasa ang Choco Mucho na makakabalik ito sa porma matapos mahulog sa 2-6 marka.

Wala rin si middle hitter Maddie Madayag na kasama ni Gonzaga sa Thailand stint.

Ngunit nariyan pa rin si top scorer Kat Tolentino gayundin sina Arianne Angustia, Bang Pineda, Manilla Santos-Ng at setter Acy Masangkay.

PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with