Eumir Felix Marcial
Marcial sa quarters na
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang matikas na ratsada ni two-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial matapos iselyo ang impresibong unanimous decision win para makapasok sa quarterfinals ng 2019 AIBA World Boxing Championships na ginaganap sa Yekaterinburg, Russia.

Inilista ni Marcial ang matikas na 5-0 desisyon kontra kay Omurbek Bekzhigit ng Kyrgyzstan sa men’s middleweight (75 kgs.).

Tatlong hurado ang nagbigay ng 30-26 iskor habang 30-27 naman ang dalawang judges na pumanig din sa Pinoy pug.

Puntirya ni Marcial na makapasok sa medal round sa pagsalang nito kay Mousavi Seyedshahin ng Iran na umiskor din ng 5-0 unanimous decision win (29-28, 29-28, 29-28, 29-28, 29-28) laban kay Tanghuatihan Tuchetaerbeke ng China sa hiwalay na laban.

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with