Pinoy jins sumipa ng 3 ginto sa Vietnam tilt
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagdagdag pa ang national taekwondo team ng tatlong ginto, isang pilak at dalawang tanso sa sparring event ng 2nd Asian Open Taekwondo Championships na ginanap sa Sports Stadium – Military Zone No. 7 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Nakasikwat ng gintong medalya sina Veronica Garces (women’s –46 kg.), Kurt Bryan Barbosa (men’s –54 kg.) at Dave Cea (men’s –74 kg.) sa kani-kanilang dibisyon.

Matikas na pinatumba ni Garces si Chang Yu-Hsin ng Chinese-Taipei sa championship round sa pamamagitan ng 10-6 desisyon para makuha ang ginto.

Sa kabilang banda, inilampaso ni Barbosa si Reinaldy Atmanegara ng Indonesia sa gold-medal match sa bisa ng 35-17 demolisyon.

Nagkasya naman sa pilak si Israel Cesar Cantos matapos matalo kay Lee Meng-En ng Chinese-Taipei, 7-24 sa finals ng men’s –87 kg. category.

Nakatanso sina Laila Delo (women’s –73 kg.) at Kristopher Robert Uy (men’s +87 kg.) sa kani-kanilang events.

Sa kabuuan, umani ang national team ng anim na ginto, isang pilak at limang tanso sa Asian meet.

TAEKWONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with