Lassiter out na sa Gilas Final 12

MANILA, Philippines — Dahil sa nalasap na Grade Two MCL sprain sa kaliwang tuhod ay hindi na makakasama si Marcio Lassiter sa kampanya ng Gi­las Pilipinas sa 2019 FI­BA World Cup sa China.

“It’s just really unfortunate that I can’t be there. There’s always that next win­dow,” wika ni Lassiter ng San Miguel.

Dahil sa pagkawala ni Lassiter sa Nationals ay aa­sahan na lamang ni head coach Yeng Guiao si­na Matthew Wright, RR Po­goy at Troy Rosario.

Nakatakdang harapin ng Gilas Pilipinas ang bi­sitang Adelaide 36ers sa goodwaill game ngayong ga­bi sa isang closed door game sa Meralco Gym at mu­ling maghaharap sa Linggo.

Show comments