Ang tapik ni Cignal setter Alohi Robins-Hardy laban sa Petron kagabi.
Jun Mendoza
Cignal HD Spikers sasagupa sa Cargo Movers sa finals
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)

4 p.m. Petron vs Foton (for 3rd place)

6 p.m. Cignal vs F2 Logistics (Finals, Game 1)

MANILA, Philippines — Hinubaran ng korona ng Cignal ang Petron sa bi­sa ng 30-28, 25-21, 17-25, 23-25, 15-8 panalo upang kunin ang huling tiket sa finals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ibinuhos ng HD Spi­kers ang buong lakas nito para tuluyang putulin ang dinastiya ng Blaze Spikers na nagmamayari ng anim na korona sa liga kabilang ang back-to-back All-Filipino crowns.

Naduplika ng Cignal ang kanilang 25-20, 10-25, 16-25, 27-25, 15-11 panalo sa unang semis match no­ong Martes.

Ito ang unang finals appearance ng Cignal sapul nang maging co-champion sa Invitational Conference no­ong 2017.

Makakasagupa ng HD Spikers ang F2 Logistics sa best-of-three championship series na magsisimula bukas sa Smart Araneta Co­liseum.

Nauna nang umabante sa finals ang F2 Logistics na nanaig sa Foton sa isa pang semis game.

Desidido naman ang F2 Logistics na mabawi ang kampeonato.

Kaya naman puspusan na ang paghahanda ni Cargo Movers head coach Ramil de Jesus para ba­­langkasin ang game plan nito sa best-of-three championship series.

Huling nahawakan ng Car­go Movers ang All-Filipino title noong 2016 kung saan tinalo nito ang Foton sa best-of-three championship series.

Subalit humulagpos sa kamay ng F2 Logistics ang korona noong 2017 at 2018 nang matalo ito sa Petron sa parehong finals series.

At aminado si de Jesus na mapapalaban ang kan­yang tropa bago maisa­ka­tuparan ang inaasam na kampeonato.

Ngunit handa ang bataan ni de Jesus na gawin ang lahat lalo pa’t nadagda­gan ang puwersa nito sa ngal­an ni Filipino-American Kalei Mau.

Nariyan pa si 2016 All-Filipino Conference MVP Ara Galang kasama sina ve­terans Aby Maraño, Kim Kianna Dy at Majoy Baron.

Nakabalik na rin sa pag­lalaro si ace playmaker Kim Fajardo.

PHILIPPINE SU­PERLIGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with