^
Pacman mas mautak  ngayon -  Fortune
Handa na ang Team Pacquiao para sa laban kay Keith Thurman.
Wendell Alinea/Philboxing

Pacman mas mautak ngayon - Fortune

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas mautak at mas madiskarte.

Ganito isinalarawan ni strength and conditioning expert Justin Fortune si eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ang ilang buwang pagsisikap nito sa trai­ning camp.

Dahil dito, lubos na magiging mapanganib si Pacquiao sa oras na makasagupa nito si Keith Thurman sa kanilang unification bout sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Fortune, kakaibang Pacquiao ang masisilayan ng buong mundo sa pagkakataong ito.

Mas matalino na nga­yon ang Pinoy champion kumpara sa kanyang mga nakalipas na laban.

“His skill has tremendously improved and he’s a lot wiser,” wika ni Fortune.

Tutulak na ngayong Martes (Lunes sa  Amerika) ang Team Pacquiao patu­ngong Las Vegas para doon ipagpatuloy ang hu­ling bahagi ng training camp ng reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight titlist.

Tuloy ang magagaan na ensayo ni Pacquiao.

Sasailalim ito sa road work at ilang gym activities para mapanatili ang per­pektong kundisyon nito.

“Yeah, Manny will still do a bit of roadwork and some gym activities to loosen up and remain focus. If needed, we’ll do light workout for muscle memory,” ani Fortune.

Ipinagmalaki naman ni chief trainer Buboy Fernandez na plantsado na ang game plan ni Pacquiao para sa laban.

Wala itong ibinigay na detalye.

Masisilayan na lamang aniya ito ng buong mundo sa mismong laban.

“We’ve been practicing that for week, pero di niya ma-perfect, but today, it came out na. Panalo na tayo,” ani Fernandez.

Bago umalis ng Wild Card Gym, sasailalim muna si Pacquiao sa apat na rounds ng sparring.

Madalas itong gawin ni Pacquiao sa kanyang mga nakalipas na laban dahil ayaw nitong masa­yang ang panahon upang masiguro ang lubos na kahandaan bago humarap kay Thurman.

JUSTIN FORTUNE MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with