Dula, Tabamo MOS sa Singapore meet
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Uuwi ang Philippine Swimming League (PSL) bitbit ang 11 gintong medalya sa pagtatapos ng 4th CSC Super Junior Swimming Invitational na ginanap sa Chinese Swimming Club Sports Complex sa Singapore.

Nanguna sa ratsada ng Pilipinas sina Tarlac City pride Triza Haileyana Tabamo at Masville National High School-Parañaque standout Marc Bryan Dula na humakot ng gintong medalya para tanghaling Most Outstan­ding Swimmers sa kani-kanilang dibisyon.

Nakasungkit si Tabamo ng anim na gintong medalya para makuha ang MOS award sa girls’ 12-year category habang umani naman si Dula ng limang ginto upang hablutin ang MOS trophy sa boys’ 12-year class.

Sa huling araw ng kumpetisyon, nakaginto pa si Tabamo sa 50m butterfly (30.69), 100m backstroke (1:13.19) at 50m freestyle (29.15) para idagdag sa kanyang ginto sa 100m freestyle (1:4.68), 100m butterfly (1:09.39) at (50m backstroke (34.16) sa opening day.

Maliban sa anim na ginto, may isang pilak din si Tabamo sa 200m freestyle (2:23.73) at isang tanso sa 200m Individual Medley (2:40.85).

Sa kabilang banda, magarbong tinapos ni Dula ang kampanya nito matapos umani ng ginto sa 100m backstroke (1:09.70) at 50m butterfly (29.38 sa huling araw ng laban. May isang pilak ito sa 100m freestyle (1:01.43) at dalawang tanso sa 50m breaststroke (36.83) at 50m freestyle (28.67).

Kumana naman si Aishel Cid Evangelista ng tatlong pilak sa 100m freestyle (1:10.08), 50m freestyle (32.27) at 200m freestyle (2:30.69) at dalawang tanso sa 50m backstroke (37.81) at 100m backstroke (1:19.22) sa boys’ 9-year class.

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with