Ngunit napangiti na lamang si Roach nang ikunumpara nito ang American fighter sa isang babaeng sumusuntok sa heavy bag.
AFP
Roach ‘di bilib kay Thurman
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumanat si seven-time Trainer of the Year Freddie Roach kay American Keith Thurman kung saan minaliit ang ginagawang paghahanda nito laban kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

May napanood si Roach na training video ni Thurman.

Ngunit napangiti na lamang si Roach nang ikunumpara nito ang American fighter sa isang babaeng sumusuntok sa heavy bag.

Wala aniya itong binatbat sa mga ginagawang paghahanda ng reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion na si Pacquiao.

“I saw a little video where Manny was hitting the heavy bag, and Thurman was hitting the heavy bag, and it was almost like a man hitting the heavy bag and a girl hitting the heavy bag, and (Thurman) is the girl,” ani Roach sa pa­nayam ng Bad Left Hook.

Hindi rin na-impress si Roach sa mga nakalipas na laban ni Thurman kaya’t naniniwala itong wala itong ibubuga kay Pacquiao.

“His last three fights, you can see he’s faded. He’s lucky to win that last one. He had a very, very poor performance. I know he had an injury and he had time off, but he has no excuses for this one,” dagdag ni Roach.

Umuusok ang training camp ni Pacquiao dahil sumasailalim ito sa matinding paghahanda para sa kanilang laban ni Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

KEITH THURMAN MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with