Magtutuos ang Blue Eagles at Scorpions nga­yong alas-4 ng hapon.
PBA images
Blue Eagles tutuluyan ang Scorpions sa Game 4
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Cignal-Ate­neo de Manila University na dagitin ang kampeonato sa pagsagupa nito sa Centro Escolar University sa Game Four ng 2019 PBA D-League best-of-five championship series sa Yna­­res Sports Arena sa Pa­sig City.

Magtutuos ang Blue Eagles at Scorpions nga­yong alas-4 ng hapon.

Hawak ng Cignal-Ate­neo ang 2-1 bentahe sa ser­ye matapos kubrahin ang 67-52 panalo sa Game Three noong Huwebes.

Sa kabila nito, walang pu­wang ang pagiging kampante para kay Blue Eagles deputy coach Sandy Ares­pacochaga.

“We have to play each game and be present for each game. We can't look past every game and we have to make sure we do our job for the next game,” ani Arespacochaga.

Umaasang nasa per­pek­tong kundisyon na si Conference MVP Isaac Go na galing sa sakit para tulungan ang Blue Eagles na tapusin na ang serye,

Makakatuwang ni Go sina Ivorian center Angelo Kouame, UAAP Season 81 Finals MVP Thirdy Ravena, at ang magkapatid na Matt at Mike Nieto.

Sa kabilang banda, overachieved na ang CEU na may pitong manlalarong natira sa line-up matapos masangkot sa game-fixing issue ang ilang players nito.

Subalit hindi basta-basta susuko ang Scorpions.

Inaasahang ilalabas ng koponan ang pinakama­bag­sik na kamandag para maipuwersa ang ‘rubber match’ sa serye.

“Like what I said before, these boys are already champions in my eyes. Whatever happens, we're just going to go out and try to give a hell of a fight to Ateneo,” sabi ni Scorpions mentor Derrick Pumaren.

Mabagsik ang CEU da­hil nariyan si Senegalese center Maodo Malick Diouf  ngunit hindi rin matatawa­ran ang dedikasyon ni­na Rich Guinitaran, Jerome Santos at Franz Diaz na tu­­nay na nagbibigay ng so­­lidong suporta sa tropa.

2019 PBA D-LEAGUE BLUE EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with