Si Manny Pacquiao sa kanyang matin­ding pagpapapawis.
Kuha ni Wendell Alinea
Kalusugan ni Pacquiao bantay-sarado
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinututukan ng coa­ching staff ang kalusugan ni eight-division world champion Manny Pacquiao para ma­kaiwas sa anumang sa­­kit habang nagsasanay sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

Pinayuhan ni chief trai­ner Buboy Fernandez na iwasan muna ni Pacquiao ang ilang gawain na walang kinalaman sa boksing gaya ng basketball.

Ito ay para makaiwas sa anumang injury ang reigning World Boxing Association regular welterweight champion.

At sumusunod naman si Pacquiao na bahagi ng kanyang pagiging disiplina­do sa training camp.

“Kailangang mag-ingat. Mabuti naman at sinusunod niya ako sa mga sina­sa­bi ko,” ani Fernandez.

Hinigpitan din ni Fer­nan­dez ang pagtanggap ng bisita partikular na ang mga posibleng may sakit ga­ya ng simpleng ubo o si­pon na maaaring makaha­wa sa Pinoy champion.

Pinakiusapan nito ang mga bibisita na ipagbigay-alam agad kung mayroon silang karamdaman upang makaiwas agad si Pacquiao.

Mas makabubuti na hu­wag muna aniyang bumi­sita kung tukoy nang may sa­kit ang mga ito.

“Bawal kay Manny ang magkasakit. If you’re not fee­ling well, say, you have fe­ver, cough cold, please re­frain from visiting him at ba­ka mahawa pa ninyo si­ya. Kailangan din na bawa­san ang mga bumibisita, iwa­san na tumambay na ma­tagal sa bahay para mag­karoon ng sapat na pahinga si Manny,” ani Buboy.

Pinaghahandaan ni Pac­quiao ang unification bout laban kay Keith Thurman sa Hulyo 21 (Manila time) sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with