^

PSN Palaro

Diretsong 7 sa Gazz Angels

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang Petro Gazz nang walisin nito ang BaliPure, 25-19, 25-22, 25-18 upang maikonekta ang ikapitong sunod na panalo sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Imus Sports Complex sa Cavite.

Nagpasiklab si American wing spiker Janisa Johnson matapos humataw ng 17 hits tampok ang game-winning attack para pamunuan ang opensa ng Gazz Angels na napatatag pa ang kapit sa solong liderato tangan ang malinis na 7-0 baraha.

“We can’t always be perfect but I mean we’ve been practicing being in tough scenarios where we have to come back from being down,” ani Johnson.

Umariba rin ng husto si Cuban import Wilma Salas na naglista ng 14 markers gayundin si middle hitter Jeanette Panaga na ilang beses ding nakapuntos sa service area.

Matibay ang net defense ng PetroGazz na nakalikom ng pitong blocks laban sa isa lamang ng BaliPure habang naglista rin ang Gazz Angels ng 6-2 edge sa aces.

Laglag ang Purest Water Defen­ders  sa 0-6 card.

Maganda naman ang inilaro nina BaliPure imports Alexandra Vajdova at Daniela Dzakovic ngunit kapos pa rin ito para dalhin ang kanilang tropa sa unang panalo.

vuukle comment

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

PETRO GAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with