Elite puntirya ang liderato vs Gin Kings
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Columbian vs Meralco

7 p.m. Ginebra vs Blackwater

MANILA, Philippines — Nang makamit ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr. ang una niyang panalo sa PBA ay hindi na siya mapakali.

“We’re still hungry for more wins and we have to get better in order to beat the other top-tier teams,” wika ni Parks matapos ang 94-91 overtime win ng Blackwater laban sa Meralco sa pagbubukas ng 2019 PBA Commissioner’s Cup noong Linggo.

Sa nasabing laro ay tumapos ang 6-foot-4 na si Parks na may 20 points, 8 rebounds, 3 steals at 2 assists.

Target ang solong lide­rato, lalabanan ng Elite ang nagdedepensang Ginebra Gin Kings ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Meralco Bolts at Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang makakabantayan ni Parks si one-time PBA Best Import Justin Brownlee, naging kakampi niya para sa Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Bukod kay Parks, muli ring sasandalan ng Blackwater sina import Alex Stepheson, humakot ng 31 boards 21 markers sa una nilang panalo, Mike Digregorio, Mac Belo at Allein Maliksi.

Makakatuwang naman ni Brownlee sina LA Tenorio, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Joe Devance at Scottie Thompson para sa Ginebra.

“Needless to say he’s a winner and he brings that winner mentality to the team,” wika ni two-time PBA Grand Slam cham­pion coach Tim Cone sa 6’4 na si Brownlee na gumiya sa Gin Kings sa korona ng PBA Governor’s Cup noong 2016 at 2017.

Sa unang laro, pareho namang pipilitin ng Bolts at Dyip na mailista ang una nilang panalo matapos yumukod sa Elite sa overtime, 91-94 at matalo sa Alaska Aces, 98-111, ayon sa pagkakasunod.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP BOBBY RAY PARKS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with