Pinalaki pa ng NorthPort ang kanilang kalama­ngan sa 97-76 galing sa re­verse ni Anthony sa hu­ling 2:36 minuto ng fourth quarter.
Jun Mendoza
NorthPort binalasa ang Alaska Aces
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balanseng opensa ang ipinakita ng NorthPort para ilista ang una nilang panalo.

Ginawa nila ito sa kabila ng hindi paglalaro ni injured star guard Stanley Pringle.

Nakahugot ng double fi­gures mula sa limang pla­yers, pinatumba ng Batang Pier ang Alaska Aces, 103-81, sa una nilang laro sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kumolekta si small forward Sean Anthony ng 22 points, 6 rebounds, 4 as­sists at 2 steals para ban­derahan ang NorthPort.

“Without Stanley Pringle, siguro na-challenge la­hat ng players na kailangan they have to do their share,” sa­bi ni Batang Pier coach Pido Jarencio.

Nagdagdag naman si­na 6-foot-10 import Prince Ibeh at Robert Bolick ng tig-19 markers kasunod ang 13 at 12 points nina Jo­nathan Grey at Moala Tau­tuaa, ayon sa pagkaka­sunod.

Nabigo naman ang Alas­ka na mailista ang 2-0 record matapos gibain ang Co­lumbian, 111-98, noong Linggo.

Mula sa 35-35 pagtabla ng Aces ay naghulog ang Batang Pier ng 14-2 bomba para iposte ang 12-point lead, 49-37, sa huling 1:56 mi­nuto ng second period.

Pinalaki pa ng NorthPort ang kanilang kalama­ngan sa 97-76 galing sa re­verse ni Anthony sa hu­ling 2:36 minuto ng fourth quarter.

Samantala, pinatawan ng PBA Commissioner’s Office sina Kelly Nabong at Ronald Tubid ng San Mi­guel ng multang tig-75,000 bukod sa three-game suspension.

Ito ay dahil sa panggu­gulo ni ‘Spiderman’ sa Game Five ng title series ng Beermen at Magnolia Hot­shots sa 2019 PBA Philippine Cup.

Nakitang sinuntok ni Tubid si Paolo Felizarta, nag­­bihis ng costume na ‘Spiderman’ at nabangga si June Mar Fajardo sa center court, habang binuntal naman ni Nabong ang napagkamalang kasamahan ni Fe­lizarta.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP NORTHPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with