Tamaraws asam ang playoff seat
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Far Eastern Uni­versity na masungkit ang playoffs spot laban sa Centro Escolar University sa 2019 PBA D-League sa JCSGO sa Cubao, Quezon City.

Magtatagpo ang Tamaraws at Scorpions nga­yong alas-12 ng tanghali sa Foundation Group.

Hawak ng FEU ang 5-3 baraha kung saan ‘must-win’ sila laban sa CEU na ka­salukuyang nangungu­na sa gru­po tangan ang 7-1 kartada.

Kung matatalo ang Ta­maraws ay awtomatiko si­lang mapapatalsik sa kon­tensyon at mabibiyaya­an ng silya sa playoffs ang Marinerong Pilipino.

Gusto ni FEU head coach Olsen Racela na ma­sundan ang kanilang 88-81 panalo laban sa Diliman College-Gerry’s Grill.

“We treated it like a knockout match. This time, it’s really a knockout game,” pahayag ni Racela.

2019 PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with