Matinding hatawan sisiklab sa PVL Reinforced Conference
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Asahan ang matin­ding bakbakan tampok ang pinaka-matitikas na volleyball players sa bansa sa paghataw ng Philippine Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Anim na koponan ang magsasalpukan sa pa­ngunguna ng reigning champion Creamline.

Dalawang imports ang ipaparada ng bawat koponan kaya’t matitinding aksiyon ang inaasahan sa edisyong ito ng liga.

“That’s why we expect exciting games. The teams are more competitive and at par with each other. E­very team is a contender,” ani PVL president Ricky Palou sa pagbisita nito sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila.

Kinuha ng Creamline sina Kuttika Kaewpin ng Thailand at Aleoscar Blanco ng Venezuela habang papalo para sa BanKo sina Lakia Bright ng Amerika at Yasemin Sahin Yildirim ng Turkey at sina Danijela Dzakovic ng Montenegro at Alexandra Vajdova ng Slovakia sa BaliPure.

Nasa Motolite sina Gyselle Silva Franco ng Cuba at Edina Selimovic ng Bosnia and Herzegovina samantalang nasa Petro Gazz sina Wilma Salas ng Cuba at Janisa Ivette Johnson ng Amerika at nasa Pacific Town Army naman sina Thai spikers Sutadta Chuewulin at Kannika Tipachot.

Kasamang dumalo sina Creamline superstar Alyssa Valdez at BanKo open spiker Dzi Gervacio.

“This is interesting but we want to defend our title. Our imports have been here since March so we’ve been practicing with them for more than a month now. Hopefully, the chemistry is already there,” ani Valdez.

PHILIPPINE VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with