Ipinamalas ni Micaela Jasmine Mojdeh ang husay nito sa backstroke ng 400m Individual Medley sa 2019 Ralph Hicken Inter-national Swimming Championship na ginaganap sa Markham Pan Am Center sa Ontario, Canada.
2 record binura rin sa Canada Meet Mojdeh sumisid ng 3 ginto
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad si Philippine Swimming League-Swimming Pinas standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid ito ng tatlong gintong medalya tampok ang dalawang bagong rekord sa ikalawang araw ng 2019 Ralph Hicken International Swimming Championship na ginaganap sa Markham Pan Am Center sa Ontario, Canada.

Unang umariba ang Philippine national junior record holder na si Mojdeh sa girls’ 12-year 50m breaststroke matapos magsumite ng 36.69 segundo, sapat para wasakin ang lumang marka na 38.01 segundo.

Ipinagpatuloy ni Mojdeh ang matikas na ratsada nito makaraang burahin ang rekord sa 50m butterfly sa bendisyon ng impresibong 29.71 segundo - mas maganda sa dating marka na 30.68 segundo.

Nakamit ni Mojdeh ang ikatlong ginto sa makapigil-hiningang 400m Individual Medley kung saan  naitarak nito ang 5:21.78 para makumpleto ang three-gold sweep sa ikalawang araw ng kompetisyon.

Magtatangka pang humirit ng gintong medalya at rekord ang Immaculate Heart of Mary College-Parañaque star sa 200m Individual Medley, 200m breaststroke, 100m butterfly, 200m butterfly, 100m freestyle at 100m breaststroke events.

“Jasmine has already fulfilled her promise to coach Susan Papa that she’ll break records in this tournament. But she’s not yet done as she aims for more gold medals and hopefully a couple of records in the coming days,” wika ni PSL-Swimming Pinas delegation head Joan Melissa Mojdeh.

Maliban sa tatlong ginto ni Mojdeh, nakasikwat din ng dalawang ginto, dala­wang pilak at tatlong tansong medalya ang iba pang miyembro ng delegasyon.

Pinagreynahan ni Ge­neral Santos City tanker Jie Angela Talosig ang girls’ 12-year 200m freestyle sa pamamagitan ng 2:15.23 na naitala nito para talunin sina Canadians Isabel Marshall (2:16.26) at Lindsay Gordon (2:20.70).

Nakahirit din ng tanso si Talosig sa 50m breaststroke (37.60).

Hindi rin nagpakabog si Francisco Cordero III nang mamayagpag ito sa boys’ 13-14 50m breaststroke kung saan naorasan ng 33.86 segundo upang patumbahin ang mas matatanda at mas matatangkad na sina Canadians James Bertrim  (33.94) at Matthew Kuusk (35.29).

Nakahirit ng dalawang pilak si Saira Pabellon sa girls’ 11-year 50m breaststroke (38.33) at 50m butterfly (33.12) habang may dalawang tanso naman si John Alexander Talosig sa boys’ 13-14 800m freestyle (9:07.92) at 200m freestyle (2:03.13).

MICAELA JASMINE MOJDEH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with