San Miguel kampeon!
Tinapos ng San Miguel ang kanilang best-of-seven championship series ng Magnolia sa 4-3.
Jun Mendoza

San Miguel kampeon!

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ayaw talagang isuko ng San Miguel ang kanilang korona.

Bumalikwas ang Beermen mula sa 17-point deficit sa third period para balikan ang Magnolia Hotshots, 72-71 sa Game Seven at angkinin ang kampeonato ng 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng San Miguel ang kanilang best-of-seven championship series ng Magnolia sa 4-3.

Humakot si five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 31 rebounds, 17 points, 2 steals at 2 blocks para sa Beermen, inangkin ang kanilang pang-limang sunod na All-Filipino crown at ang ika-26 sa kabuuan sa 41 championship stint.

Nakabangon ang San Miguel mula sa 26-43 pagkakabaon sa third quarter para makadikit sa 53-58 agwat sa pagsisimula ng final canto mula sa three-point shot ni Alex Cabagnot hanggang maputol ang kalamangan ng Magnolia sa 62-61 buhat sa layup ni Arwind Santos sa 7:21 minuto nito.

Matapos ito ay nagpa­litan ng bentahe ang dalawang koponan.

Muling ibinigay ni Ian Sangalang ang 71-70 kalamangan sa Hotshots sa huling 2:01 minuto ng labanan kasunod ang fade away ni Cabagnot sa natitirang 57.2 segundo para itaas ang Beermen sa 72-71.

Dalawang beses nagkaroon ng tsansa si Jio Jalalon na maipanalo ang Magnolia bago maimintis ni Fajardo ang dalawa niyang free throws sa huling 4.8 segundo.

Naging mabisang sandata ng tropa ni coach Chito Victolero ang kanilang matibay na depensa laban sa four-time champions na pinuwersa nila sa 18 turnovers sa first half.

Tumipa si Ian Sangalang ng 13 points para sa Hotshots, may tatlong turnovers lamang ngunit nadomina ng Beermen sa rebounding, 33-23.

2019 PBA PHILIPPINE CUP SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with