Ito ang ikaapat na sunod na taon na maglalaro ang Raptors sa second round.
AFP
Raptors, 76ers, Blazers swak sa 2nd round
(Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2019 - 12:00am

TORONTO-- Kumamada si Kawhi Leonard ng 27 points habang may 24 markers si Pascal Siakam para pangunahan ang Raptors sa 115-96 pagsibak sa Orlando Magic at isara ang kanilang first round series sa 4-1.

Nag-ambag si Kyle Lowry ng 14 points para sa Toronto, haharapin ang Philadelphia 76ers sa se­cond round.

Ito ang ikaapat na sunod na taon na maglalaro ang Raptors sa second round.

Pinamunuan naman ni D.J. Augustin ang Magic mula sa kanyang 15 points habang may 12 at 11 mar­kers sina Terrence Ross at Aaron Gordon, ayon sa pagkakasunod.

Sa Philadelphia, pinatalsik ng 76ers ang Brooklyn Nets, 120-100 sa Game Five para tapusin ang Eas­tern Conference playoff series sa 4-1.

Kumolekta si Joel Embiid ng 23 points at 13 rebounds habang may 13 markers si Ben Simmons para sa Philadelphia.

Sa Portland, isinalpak ni Damian Lillard ang isang 37-footer sa pagtunog ng final buzzer para iligtas ang Trail Blazers laban sa Oklahoma City Thunder, 118-115 at wakasan ang kanilang serye sa 4-1.

ORLANDO MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with