Rondina malakas ang laban sa MVP trophy
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong playdates na lang ang nalalabi sa eliminasyon ngunit pumuporma na sa MVP race ang limang matitikas na manlalaro sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Nangunguna sa mga kandidato sina graduating outside hitter Sisi Rondina at rookie Eya Laure na pa­rehong pambato ng University of Santo Tomas.

Hawak ni Rondina ang No. 1 spot sa scoring department matapos makalikom ng kabuuang 238 puntos na nakuha nito mula sa 210 spikes, 15 blocks at 13 aces.

Pumapangalawa si Ron­dina sa spiking tangan ang 33.28 efficiency rating habang ikaanim ito sa digging matapos magtala ng 4.10 average digs per set.

Nasa No. 2 spot naman si Laure sa scoring bunsod ng 184 attacks, 18 blocks at 15 aces nito para sa ka­buuang 217 puntos.

Okupado ni Laure ang unang puwesto sa attacks nang magrehistro ito ng 36.22 success rating.

Kabilang sa Top 6 sa sco­ring sina Diana Mae Carlos ng UP, rookie Princess Anne Roble ng NU, Kat Tolentino ng Ateneo at Judith Abil ng University of the East.

Nakakuha si Carlos ng 197 puntos (175 attacks, 14 blocks at walong aces, habang naglista si Robles ng 176 points (144 attacks, 26 aces at anim na blocks).

Parehong may 172 points sina Tolentino (136 attacks, 25 blocks at 11 aces) at Abil (152 attacks, 15 aces at limang blocks).

Ikaapat si Carlos sa spikes (29.31), ikaanim sa re­ceive (38.78) at ikawalo sa digs (3.94) habang No. 1 si Robles sa serves (0.52 per set) at ika-siyam sa re­ceives (36.93).

Nasa ikatlo si Tolentino sa attacks (30.09) at ikalima sa blocks (0.56 per set) samantalang No. 4 sa receive si Abil bitbit ang 42.04 at No. 5 sa digs tangan ang 4.22.

Maliban kina Laure at Robles, kandidato sa Rookie of the Year award sina Ivy Lacsina ng Natio­nal University at Jolina Dela Cruz ng De La Salle University.

SISI RONDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with