Naiiwas ni Damian Lillard ng Blazers ang kanyang tira sa tangkang supalpal nina Dennis Schroeder at Russell Westbrooks ng Thunder.
2-0 sa Blazers McCollum, Lillard nagtulong sa paggiba sa Thunder
(Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

PORTLAND, Ore.--Muling bumandera ang mga star guards ng Trail Blazers para iposte ang 2-0 abante sa kanilang first-round playoff series.

Bumitaw si CJ McCollum ng 33 points at nagdagdag si Damian Lillard ng 29 markers para ihatid ang Trail Blazers sa 114-94 panalo laban sa Oklahoma City Thunder sa Game Two.

Nag-ambag si Maurice Harkless ng 14 points at 9 rebounds para sa third-seeded Portland.

Ang Oklahoma City ang mamamahala sa Game 3 sa Biyernes.

Nagtala naman si Russell Westbrook, itinala ang kanyang pang-siyam na career postseason triple-double sa kabiguan ng Thunder sa Game 1, na may 14 points, 9 rebounds at 11 assists.

Nagdagdag si Paul George ng 27 points bagama’t may right shoulder injury.

Sa Denver, iniskor ni Jamal Murray ang 21 sa kanyang 24 points sa fourth period para akayin ang Nuggets sa 114-105 pa­nalo laban sa San Antonio Spurs at itabla sa 1-1 ang kanilang playoff series.

Nag-ambag si Paul Millsap ng 20 points para sa Nuggets, nakahugot kay Nikola Jokic ng 21 points, 13 rebounds at 8 assists.

Pinangunahan naman ni DeMar DeRozan ang Spurs mula sa kanyang 31 points kasunod ang 24 at 17 markers nina LaMarcus Aldridge at Derrick White, ayon sa pagkakasunod.

Sa Toronto, kumamada si Kawhi Leonard ng 37 points at tumipa si Kyle Lowry ng 22 markers para tulungan ang Raptors sa 111-82 pananaig sa Orlando Magic sa Game Two at itabla sa 1-1 ang kanilang Eastern Conference first-round series.

Humakot si Pascal Siakam ng 19 points at 10 rebounds para sa Toronto, naglista ng 34-point lead at hindi na nilingon pa ang Orlando.

Binanderahan ni Aaron Gordon ang Magic mula sa kanyang 20 points.

CJ MCCOLLUM DAMIAN LILLARD NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with