Beermen itinagay ang Game 1
Inipit nina June Mar Fajardo at Marcio Lassiter ng San Miguel si Phoenix star guard Matthew Wright sa aksyon sa Game One.
Joey Mendoza

Beermen itinagay ang Game 1

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nang magposte ang mga Beermen ng double-digit lead sa first half ay hindi nila akalaing makakadikit ang mga Fuel Masters sa final canto.

Nalampasan ng nagde­depensang San Miguel ang paghahabol ng Phoenix sa fourth quarter para sikwatin ang 100-88 panalo sa Game One ng kanilang semifinals series para sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos kunin ng Fuel Masters, ang No. 1 team sa elimination round, ang first period, 27-21 ay humataw naman ang four-time champions sa second quarter para iposte ang 12-point lead, 45-33 mula sa dalawang free throws ni 6-foot-8 Fil-German Christian Standhardinger sa huling 2:12 minuto nito.

Isinara ng San Miguel ang first half tangay ang 49-39 abante tampok ang 15 points ni Alex Cabagnot, nagsalpak ng tatlong three-point shots.

Sa huling 3:33 minuto ng nasabing yugto ay bumagsak sa sahig na una ang kaliwang pisngi ng 6’10 na si Fajardo sa isang rebound play.

Sa third quarter ay hindi na nagpapigil ang Beermen kung saan nila kinuha ang 73-48 bentahe galing sa magkakasunod na triple nina Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Ross sa 5:33 minuto nito.

Ngunit nakalapit ang Fuel Masters sa 82-89 mula sa drive ni Alex Mallari sa 4:54 minuto ng final canto.

Tuluyan nang sinelyuhan nina Lassiter, Cabagnot at Arwind Santos ang panalo ng San Miguel nang iposte ang 13-point advantage, 96-83 sa huling 2:37 minuto ng bakbakan. 

2019 PBA PHILIPPINE CUP BEERMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with