Nakipag-agawan sa bola si Jay Wa­shington ng TNT Katropa kina Sean Anthony at Moala Tautuaa ng NorthPort.
(Kuha ni Ernie Peñaredondo)
Batang Pier buhay pa
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

Tsansa ng Texters sa no. 2 seat nadiskaril

MANILA, Philippines — Tinapos ng NorthPort ang hangarin ng TNT Katropa na makuha ang No. 2 berth.

Ito ay matapos bugbugin ng NorthPort Batang Pier ang Tropang Texters, 109-83, sa 2019 PBA Phi­l­ip­pine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Winakasan ng NorthPort ang kanilang anim na sunod na kamalasan pa­ra itaas ang baraha sa 3-6 kasabay ng pagpigil sa five-game winning streak ng TNT Katropa.

Ang panalo ang bumuhay sa tsansa ng Batang Pier na makasama sa eight-team quarterfinals.

“Basta kami, one game at a time, hahabulin namin ‘yung playoffs,” sabi ni coach Pido Jarencio.

Tuluyan nang napasa­kamay ng Rain or Shine Elasto Painters (8-3) ang No. 2 seat, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage kagaya ng Phoenix Fuel Masters (9-2), sa quarterfinals, dahil sa kabiguan ng Tropang Texters (7-4).

Kumolekta si Stanley Pringle ng 27 points, 9 re­bounds at 2 assists, ha­bang may 14 at tig-13 markers sina Sean Anthony, Moala Tautuaa at Paolo Taha, ayon sa pagkakasunod, para sa NorthPort.

Kaagad kinuha ng Ba­tang Pier ang 46-23 abante patungo sa 27-point lead, 53-26, bago ang halftime.

Isang 11-0 bomba naman ang inihulog ng Tropang Texters para makalapit sa 42-53 sa pagsisimula ng third period.

Ngunit muling rumatsada ang NorthPort para itala ang 102-72, mula sa three-point shot ni Nico Elorde.

TNT KATROPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with