Humataw si Jeron Teng ng 16 points tampok ang perpektong 7-of-7 shoo­ting sa free throws para sa ikaapat na panalo ng Alaska sa siyam na laro katabla ang Columbian.
PBA images
Aces humirit pa
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

Pinayuko ang Bolts

MANILA, Philippines — Tinapos ng Alaska ang kanilang tatlong sunod na kamalasan para buhayin ang tsansa sa quarterfinal round.

Nagtayo ng double-digit lead sa second half, pinabagsak ng Aces ang Meralco Bolts, 92-77 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humataw si Jeron Teng ng 16 points tampok ang perpektong 7-of-7 shoo­ting sa free throws para sa ikaapat na panalo ng Alaska sa siyam na laro katabla ang Columbian.

Nagdagdag si Simon Enciso ng 14 points kasunod ang tig-13 at 12 mar­kers nina Chris Banchero, Sonny Thoss at nagbabalik na si JVee Casio, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap naman ng Meralco, nakahugot kay Nico Salva ng 23 points, ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan at nalagay sa balag ng alanganin.

Binuksan ng Aces ang laro sa 13-3 hanggang kunin ang 69-57 kalama­ngan sa pagtatapos ng third period na nagpahirap sa Bolts na makalapit.

Ang dalawang free throws ni Thoss ang naglatag sa Alaska ng 15-point lead, 87-72  sa hu­ling 2:45 minuto ng fourth quarter.

At mula rito ay hindi na nakabawi ang Meralco, nakakuha kay Niño Canaleta ng 18 markers kasunod ang 11 points ni Chris Newsome.

2019 PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with