Pinuri ni Growling Tigers mentor Aldin Ayo ang matikas na inilaro ni Beninese forward Soulemane Chabi Yo na may double-double showing na 19 points at 11 rebounds kasama pa ang dalawang blocks.
PBA images
Generals tambak sa Tigers
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasuko ng University of Santo Tomas ang Batangas-Emilio Aguinaldo College, 94-70  para mainit na umpisahan ang kam­panya nito sa 2019 PBA D-League kahapon sa Paco Arena sa Manila.

Pinuri ni Growling Tigers mentor Aldin Ayo ang matikas na inilaro ni Beninese forward Soulemane Chabi Yo na may double-double showing na 19 points at 11 rebounds kasama pa ang dalawang blocks.

Maganda rin ang simula ni Pangasinense forward Rhanz Abando na may 17 puntos, siyam na boards at dalawang dimes gayundin si Brent Paraiso na naglista naman ng walong puntos, anim na rebounds at limang assists para sa UST.

Nasilayan din sa unang pagkakataon bilang Grow­ling Tiger ang 18-anyos guard na si Mark Nonoy na nagparamdam agad ng puwersa tangan ang 15 points, limang rebounds, dalawang assists at isang steal.

Si Nonoy ang pinakabatang manlalaro sa kasaysayan ng PBA D-League.

“Masaya kami kasi nakapaglaro agad ng maayos yung mga bago. Nakapag-adjust sila agad. Unang liga namin ito na big league. Masaya naman ako na hindi kami masyadong tight and nailabas nila yung laro nila. Yun lang naman, gusto lang namin na mailabas yung pineprepare namin,” aniya.

Nakakuha pa ang UST ng solidong suporta mula kay Renzo Subido na nag-ambag ng 11 puntos, limang assists at apat na rebounds para sa UST na umangat sa 1-0 marka.

Bumandera sa hanay ng Generals si Earvin Mendoza na may nakuhang 14 points, tatlong  steals at dalawang rebounds.  

2019 PBA D-LEAGUE EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with