4 na koponan kakaliskisan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat pang koponan ang kakaliskisan sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Paco Arena sa Manila.

Magtutuos ang University of Santo Tomas at Batangas-Emilio Aguinaldo Collge sa alas-2 kasunod ang duwelo ng SMDC-National University at Chadao-Far Eastern University sa alas-4.

Masisilayan sa unang pagkakataon sina transferee guard Brent Paraiso at high school star Mark Nonoy suot ang Grow­ling Tigers jersey gayundin si Beninese forward Soulemane Chabi Yo.

Makakasama ng tatlo sina Renzo Subido at Marvin Lee na pangunahing inaasahan ni UST coach Aldin Ayo.

Ito naman ang unang coaching duty ni Oliver Bunyi bilang head coach ng Batangas-EAC.

Kukuha ng lakas ang EAC kina veterans Cedric de Joya at Earvin Mendoza katuwang sina JP Maguliano at Renzo Tampoc.

Sa kabilang banda, umaasa si Bulldogs coach Jamike Jarin na magiging mabangis ang simula ng kanyang bataan dahil nariyan sina Dave Ildefonso at John Lloyd Clemente at si Senegalese big man Issa Gaye.

2019 PBA D-LEAGUE ASPIRANTS’ CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with