Nasandalan ng husto ng Tornadoes sina imports Selime Ilyasoglu ng Turkey at Courtney Felinski ng Amerika na parehong nagbaon ng matatalim na atake para buhatin ang kanilang tropa sa 1-0 panimula.
Lakas ng Tornadoes ‘di kinaya ng UVC
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

Laro sa Martes (The Arena)

2pm Petron vs PLDT

4:15pm UVC vs Sta. Lucia

7pm Cignal vs F2

MANILA, Philippines — Mabangis na sinimulan ng Foton Tornadoes ang kampanya nito matapos patumbahin ang United  Volleyball Club, 26-24, 25-20, 15-25, 25-21 para hablutin ang buenamanong panalo sa PSL Grand Prix kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nasandalan ng husto ng Tornadoes sina imports Selime Ilyasoglu ng Turkey at Courtney Felinski ng Amerika na parehong nagbaon ng matatalim na atake para buhatin ang kanilang tropa sa 1-0 panimula.

Kumana naman ng mahahalagang puntos sina opposite hitter Shaya Adorador at middle b­lockers Maika Ortiz at Christin Joy Rosario para tulungan ang kanilang imports sa attack line.

Malakas din ang naitulong ni libero Jen Reyes na sumalag sa ilang atake ng kanilang karibal kasabay ng pagbibigay ng magandang receptions para sa Foton.

Lamang ang United Volley sa attacks matapos magbaon ng 57 kills laban sa 51 ng Foton. Nakakuha din ang United Volley ng 10 aces kumpara sa anim lamang ng Tornadoes.

Subalit malaking dipe­rensiya ang unforced errors kung saan nakagawa ang United Volley ng 30 pagkakamali habang nalimitahan ng Tornadoes sa 19 ang errors nito.

May parehong apat na blocks ang dalawang koponan.

PSL GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with