^

PSN Palaro

Thirdy kasama ng tropa ni Guiao sa Qatar

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Thirdy kasama ng tropa ni Guiao sa Qatar
Kasama sa delegasyon ng Nationals si collegiate superstar Thirdy Ravena ng Ateneo Blue Eagles na pinakahuling inimbitahan ni coach Yeng Guiao sa training pool.

MANILA, Philippines — Nakatakdang bumiyahe ang Team Pilipinas nga­yong umaga patu­ngong Doha, Qatar para sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Kasama sa delegasyon ng Nationals si collegiate superstar Thirdy Ravena ng Ateneo Blue Eagles na pinakahuling inimbitahan ni coach Yeng Guiao sa training pool.

Sa kanilang 100-82 pag­lampaso sa Meralco Bolts sa Meralco Gym kahapon ay nagbigay si Ravena ng 5 points at posibleng isama ni Guiao sa 12-man final line-up na sasagupa sa mga Qataris sa Pebrero 21.

Bitbit ng Team Pilipinas ang 5-5 baraha sa Group F sa ilalim ng Australia (9-1), Iran (7-3) at Japan (6-4).

Nauna nang natalo ang pambansang koponan sa Iran at Kazakhstan sa fifth window ng Asian Qualifiers noong Disyembre sa kanilang home games.

Nakakuha na ng tiket ang mga Aussies para sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa China habang kailangan naman ng Nationals na walisin ang kanilang road games laban sa mga Qataris at Kazakhs.

Lalabanan ng Team Phl  ang Kazakhstan sa Peb­rero 24 sa napakalamig na kapitolyo ng Astana.

Para palakasin ang kanilang tsansa ay tinapik ni Guiao si 6-foot-11 natura­lized center Andray Blatche, bibiyahe sa Doha mula sa China kung saan siya nag­lalaro bilang import.

Sa panalo ng Nationals laban sa Bolts ay umiskor si RR Pogoy ng 21 points.

Ang mga pagpipilian ni Guiao para sa pagsagupa sa Qatar ay sina Blatche, Jun Mar Fajardo, MarcioLassiter, Troy Rosario, Ra­vena, Poy Erram, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Scottie Thompson, Mark Barroca, Jayson Castro at Paul Lee.

Gusto ni Guiao na magkaroon ang Team Pilipinas ng twice-a-day sessions sa kanilang pagdating sa Doha mula sa Linggo hanggang Miyerkules.

vuukle comment

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with