Sinupalpal sa likod ni CJ Perez ng Columbian Dyip si Calvin Abueva ng Phoenix sa aksyong ito sa PBA.
Ika-3 dikit sa Phoenix
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Phoenix na hindi sila magiging ikala­wang biktima ng Columbian.

Naisuko man ang itinayong 19-point lead sa first period ay tinalo pa rin ng Fuel Masters ang Dyip, 108-98 para sa kanilang ikatlong sunod na ratsada sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humataw si shooting guard Matthew Wright ng 22 points habang kumo­lekta si Calvin ‘The Beast’ Abueva, nakipagsukatan ng lakas kay No. 1 overall pick CJ ‘The Baby Beast’ Perez, ng 16 markers, 9 rebounds at 3 steals.

Sa kanilang 3-0 record ay sinolo ng Phoenix ang liderato ng torneo habang nalasap ng Columbian ang unang kabiguan matapos gulatin ang four-time champions na San Miguel, 124-118  noong Biyernes.

Nauna nang nakatakas sa overtime ang Fuel Masters laban sa Meralco Bolts, 93-92 at TNT Katropang Texters, 93-84.

Laban sa Dyip ay ka­agad itinala ng tropa ni coach Louie Alas ang 24-14 abante sa opening period at pinalaki ito sa 40-21 sa 7:15 minuto ng second quarter.

Napababa ito ng Colum­bian sa 83-90 agwat mula sa floater ni rookie guard JP Calvo sa 7:06 minuto ng fourth period bago sumaklolo sina Wright, Abueva at LA Revilla para muling ilayo ang Phoenix sa 106-94 sa nalalabing 46.4 segundo.

Sapat na ito para tuluyan nang pataubin ng Fuel Masters ang Dyip.

2019 PBA PHILIPPINE CUP PHOENIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with