Nagkaroon si Romeo ng sprained left ankle injury sa huling 18 segundo ng third period sa 118-124 kabiguan ng Beermen laban sa Columbian Dyip matapos matapakan ang paa ni guard Rashawn McCarthy noong nakaraang Miyerkules.
Joey Mendoza
Austria ipapahinga muna si Terrence
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Minabuti ni head coach Leo Austria na huwag pag­laruin si scoring guard Terrence Romeo sa 99-91 panalo ng four-time champions na San Miguel laban sa Barangay Ginebra sa 2019 PBA Philippine Cup noong Linggo.

Nagkaroon si Romeo ng sprained left ankle injury sa huling 18 segundo ng third period sa 118-124 kabiguan ng Beermen laban sa Columbian Dyip matapos matapakan ang paa ni guard Rashawn McCarthy noong nakaraang Miyerkules.

“We don’t want na madaliin ‘yung paggaling niya kasi baka ma-aggravate ‘yung injury n’ya. But there is a lot improvement sa condition n’ya,” wika ni Austria sa ankle injury ni Romeo, nakuha ng San Miguel mula sa TNT Katropa matapos ibigay sina Brian Heruela, David Semerad at dalawang future draft pick.

Ayon kay Austria, posibleng dalawang laro pa ang iupo ng three-time scoring champion kabilang ang pakikipagtuos nito sa pinagmulang TNT Katropa sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

“We don’t know yet if he can play or not. He wants to play right away but we will see what will happen because it will depend on the PT (physical therapist) kung playable na ‘yung kanyang condition,” sabi ni  Austria.

Itinuring naman ni Aus­tria na isang ‘wake up call’ ang pagkatalo ng San Miguel sa Columbian sa una nilang laro.

TERRENCE ROMEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with