“When I come across other people, it’s difficult na dapat nako-communicate ng organizing committee what is going on. People begin to distrust,” ani Ramirez. “As part of Phisgoc and being its second highest officer, I’m concerned being the most veteran among the triumvirate.”
PSC pangangasiwaan na ang paghahanda sa 30th SEAG
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil walang ibinibigay na anumang impormasyon ang Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) kaugnay sa estado ng pagha­handa ng bansa para sa biennial event ay si Phi­lippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez na lamang ang nagdaos ng isang press conference kahapon sa PSC Building sa Malate, Manila.

“When I come across other people, it’s difficult na dapat nako-communicate ng organizing committee what is going on. People begin to distrust,” ani Ramirez. “As part of Phisgoc and being its second highest officer, I’m concerned being the most veteran among the triumvirate.”

Dahil sa inaasahang pag­kakatiwala sa kanila ng pondong P7.5 bilyon para sa 2019 SEA Games ay magiging aktibo ang PSC sa kanilang papel.

“Makikialam ako from the executive director down the line because after all, kami ang magre-release ng pera,” wika ni Ramirez, ang hinirang na Phisgoc vice-chairman.

Ang naturang P7.5 billion budget para sa 2019 SEA Games hosting ay nauna nang itinabi para sa Department of Foreign Affairs dahil si dating DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang chairman ng Phisgoc.

Ngunit kamakailan ay inaprubahan ng Senado ang nasabing SEAG budget at ipinagkatiwala sa PSC.

Sinabi naman ni Ra­mirez na kahit nagbitiw na si Cayetano bilang DFA Secretary para kumandidato sa May elections ay siya pa rin ang tumata­yong chairman ng Phisgoc.

Sina Ramirez at  POC president Ricky Vargas ang co-chairmen ng naturang SEAG organizing committee.

WILLIAM ‘BUTCH’ RAMIREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with