Tinirahan ni Blazers guard Damian Lillard si Warriors guard Klay Thompson sa third quarter ng kanilang laban.
Blazers lumusot sa tres ni Lillard sa OT
(Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2018 - 12:00am

OAKLAND, California  -- Kumonekta si Da­mian Lillard ng triple sa huling 6.3 segundo  sa overtime period upang iangat ang Portland Trail Blazers sa 110-109 panalo laban sa Golden State Warriors.

Tumapos si Lillard ng 21 puntos sa huli niyang laro sa Oakland habang si Jusuf Nurkic ay umani ng 27 puntos at 12 rebounds para sa Blazers.

May oras pang natitira matapos ang game-winning basket ni Lillard, ngunit nagmintis si Kevin Durant mula sa 13-feet na siyang nagbigay daan para maka-eskapo ang Blazers.

Naitala ni Durant ang kanyang ikalawang triple-double sa season sa 26 puntos, 11 assists at sampung rebounds para sa Warriors.

Nakamit ng Warriors ang ikalawang sunod na talo sa kanilang homecourt, ang una ay 127-101 sa mga kamay ng Los Angeles Lakers sa araw ng Pasko.

Umiskor si Lillard ng 7-of-20 sa field sa harap ng kanyang mga kaibigan at pamilya sa huling laro ng Blazers sa Oracle Arena bago lumipat ang Warriors sa San Francisco sa susunod na season.

Tumapos si Klay Thompson ng 15 puntos mula sa 6-of-19 shooting kung saan kumana lamang ito ng dalawang tres mula sa 9-tangka para sa Warriors.

 Muling maghaharap ang Trail Blazers at Warriors ngayong Linggo sa teritoryo ng Portland.

PORTLAND TRAIL BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with