^

PSN Palaro

Lee inilapit ang Hotshots sa korona

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Lee inilapit ang  Hotshots sa korona
Si Romeo Travis ng Magnolia laban kina Simon Enciso at Jake Pascual ng Alaska.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng Magnolia para sa inaasam na korona ng season-ending conference.

Ito ay matapos isalpak ni Paul Lee ang isang krusyal na jumper sa natitirang 6.4 segundo para akayin ang Hotshots sa 79-78 pagtakas laban sa Alaska Aces sa Game Five ng kanilang championship series para sa 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa bitbit na 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven titular showdown ng Alaska ay may pagkakataon ang Magnolia na makopo ang kanilang pang-14 kampeonato kung muling mananalo sa Game Six sa Miyerkules sa Ynares Center sa Antipolo City.

Huling naghari ang Hotshots noong 2014 PBA Governor’s Cup sa likod nina coach Tim Cone at import Marqus Blakely.

Itinayo ng Magnolia ang 13-point lead, 53-40  sa half­­time bago maghulog ang Alaska ng 20-2 bomba para agawin ang 60-55 bentahe sa huling 3:28 minuto ng third period.

Huling napasakamay ng Aces ang kalama­ngan sa 78-77 buhat sa dalawang free throws ni Best Import Mike Harris sa nalalabing 11.4 segundo ng fourth quarter.

Isinalpak naman ni Lee ang kanyang jumper sa hu­ling 6.4 segundo para itakas ang Hotshots.

Magnolia 79 - Sangalang 20, Barroca 14, Jalalon 13, Lee 11, Travis 10, Herndon 6, Dela Rosa 4, Reavis 1, Melton 0, Brondial 0.

Alaska 78 - Harris 28, Racal 13, Enciso 13, Pascual 6, Exciminiano 5, Cruz 4, Banchero 3, Teng 2, Manuel 2, Casio 2, Baclao 0.

Quarterscores: 29-28, 53-40, 65-62, 79-78

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with