^

PSN Palaro

50-pts. si Harden

Pilipino Star Ngayon
50-pts. si Harden
Tumapos si James na may 50 points, 10 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikalawang triple-double ngayong season at pang-37 sa career niya.

Rockets pinasabog ang tropa ni Lebron

HOUSTON --  Abante ang Rockets laban sa bisitang Los Angeles Lakers sa fourth quarter nang hili­ngin ni James Harden kay coach Mike D’Antoni na makapagpahinga.

Pinagbigyan ni D’Antoni ang reigning MVP at ibinalik sa huling limang minuto at umiskor ng 11 points para tulungan ang Rockets na talunin ang Lakers ni Le­Bron James, 126-111.

Tumapos si James na may 50 points, 10 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikalawang triple-double ngayong season at pang-37 sa career niya.

Nagtala naman si Ja­mes ng 29 points para sa Los Angeles, nagmula sa two-game winning run.

Sa San Antonio, huma­kot si center LaMarcus Aldridge ng 27 points para igiya ang Spurs sa ikaapat na sunod na panalo sa pamamagitan ng 125-87 paggupo sa Los Angeles Clippers.

Ito ang pinakamalaking winning margin ng Spurs ngayong season.

Nagdagdag si Rudy Gay ng 21 points habang naglista si DeMar DeRozan ng 14 points at 7 assists para sa San Antonio, nilimitahan ang kalaban ng hindi aabot sa 100 points sa pangatlong dikit na laro at naipanalo ang unang apat sa kanilang six-game homestand.

Sa Mexico City, humataw si Nikola Vucevic ng 26 points, tampok ang kanyang tiebreaking jumper sa huling 28 segundo ng fourth period para pangunahan ang Orlando Magic sa 97-91 pananaig laban sa Chicago Bulls sa una sa dalawang laro sa Mexico.

vuukle comment

JAMES HARDEN

ROCKETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with